Melankoya
Ang aking sumisigaw na
katahimikan ang nagpabingi sa akin upang hindi ako makarinig.
Dating gawi magkaaway pa rin ang aso at pusa.
“BAKIT?”
Bakit nangyayari sa akin ang lahat na ito.
Biglang bumuhos ang mabigat na
ulan. Tila ito ay walang katapusan. Naghanap ako ng payong ngunit wala akong
nakita. Ang tanging nagawa ko lamang ay sumuong at magpaulan. Madilim ang
langit at ito ay nagbabadya na magpakawala ng malakas na kidlat.
Paulit-ulit kong natanong,
“BAKIT?”
Wala akong marinig na kasagutan
sapagkat ako ay nabingi sa malakas na kulog ng kidlat. Ako ay nanlamig at hindi
ako makaramdam ng init. Hindi ko
maunawaan ang mga pangyayari. Nais ko nang matunaw na parang asin at humalo na
sa tubig at umagos kahit saan man ako dalhin ng tubig.
Pinipilit kong ngumiti pero ang mantsa
ng kalungkutan ay lubhang makapit. Hindi ko na alam kung may “Zonrox” pa kong
natitira. Naubos na rin sabon. Ang tubig naman ay parang putik. Parang piniga
ang aking kaluluwa, pinagpag ngunit hindi isinampay.
No comments:
Post a Comment